Tuloy na muli ngayon ang session ng Senado kung saan tinatalakay ang mahigit 5-trilyong piso na panukalang pambansang budget sa susunod na tao.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, balik session na sila makaraang magnegatibo sa RT-PCR test ang mga senador at empleyado ng Senado na nakahalubilo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Si Lorenza ay nagtungo sa Senado noong Martes para sa pagtalakay sa proposed budget ng Department of National Defense (DND).
Unang nagpositibo ang COVID-19 test ni Lorenzana noong na ginawa noong Martes ng hapon pero negatibo na ang result ng muli niyang pagsailalim sa RT-PCR test.
Sa ngayon ay nakasalang at binubusisi sa session ng Senado ang 2022 proposed budget ng Department of Transportation (DOTr) na nagkakahalaga ng mahigit P120 billion.
Ayon sa tanggapan ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, nakahanay ring talakayin ngayong araw hanggang hating gabi ang 2022 proposed budget ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH).