Nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa United Arab Emirates at sa China si Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Ito ay dahil sa dami ng donasyon na ibinigay ng dalawang bansa para suportahan ang mga pamilyang apektado ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Aniya, ang ipinamalas ng UAE at China ay halimbawa ng tunay na pagkakaibigan at pagkakaisa sa pagitan ng Pilipinas.
Sinabi ni Pimentel na ang kanilang donasyon ay nagdulot ng malaking impact sa buhay ng mga kababayan natin sa Albay dahil sa pagkakaloob ng kinakailangang tulong at pagasa.
Ang UAE ay nagbigay ng donasyon na 50 tonelada na relief at food supplies habang ang China naman ay nagkaloob ng suplay na bigas na aabot sa P4 million ang halaga.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Pimentel sa pinakahuling donasyon ng China sa bansa na 20,000 metrikong tonelada na urea fertilizer na magpapalakas sa agricultural production para sa pagbuhay ng ating farming industry.