Senador, nanawagan na igalang pa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa balak na pag-imbita rito sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa gentleman’s agreement

Umapela si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Senado na irespeto pa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa balak na pagpapatawag dito para sa imbestigasyon tungkol sa gentleman’s agreement.

Ayon kay Villanueva, sa halip na pagpapatawag ay imbitahan lamang ang dating pangulo kung kanyang nanaisin na dumalo sa pagdinig.

Magiging paksa aniya ng caucus na gagawin ang pag-imbita sa dating pangulo.


Giit ni Villanueva, ang mahalaga ngayon ay ipaalala sa bully nation na China na walang naganap na gentleman’s agreement at ito ay maituturing na “null and void” mula pa sa simula dahil walang dokumentong susuporta rito.

Samantala, kasama rin sa pag-uusapan sa caucus kung magsasagawa ng public hearing o executive session lalo’t ilan sa mga senador ay may concern hinggil sa gentleman’s agreement.

Facebook Comments