Monday, January 26, 2026

Senate Committee on Ethics, kumpleto na ang mga miyembro

Kumpleto na ang mga miyembro ng Senate Committee on Ethics.

Sa sesyon sa Senado, pinangalanan ang tatlong miyembro ng Senate minority bloc na magiging miyembro ng komite.

Ang mga ito ay sina Senators Joel Villanueva, Bong Go at Bato dela Rosa.

Una namang naitalaga sina SenatorJV Ejercito bilang chairman ng Ethics Committee habang Vice Chairman naman si Senator Kiko Pangilinan at mga miyembro sa bahagi ng majority bloc sina Senators Risa Hontiveros at Erwin Tulfo.

Matapos makumpleto ang mga miyembro ng komite ay sunod na aabangan na maisalang sa pagdinig ang mga ethics complaint na inihain laban kay Senator Chiz Escudero dahil sa pagtanggap ng campaign funds sa isang contractor, gayundin kay Hontiveros bunsod naman ng “witness tampering” sa pagdinig laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at si Ejercito dahil naman sa hindi pag-aksyon sa reklamo laban kay Escudero.

Facebook Comments