Handa si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na mamagitan sa liderato ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa nangyaring misencounter sa Sulu kung saan apat na sundalo ang nasawi.
Ayon kay Dela Rosa, na dating Hepe ng PNP, kakausapin niya ang kanyang mga mistah na sina AFP chief General Felimon Santos Jr. at PNP Chief Archie Gamboa upang marinig ang kani-kanilang bersyon ukol sa insidente.
Mensahe ni Dela Rosa, mahalaga na pangunahan ng mga namumuno sa AFP at PNP ang pagpawi ng tensyon sa kani-kanilang mga hanay habang sinisiyat ang nangyari.
Giit ni Dela Rosa, dapat maging patas ang imbestigasyon at mapanagot ang mapapatunang may sala.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na ipinapakita ng insidente ang kahalagahan ng koordinasyon sa lahat ng pagkakataon sa pagitan ng mga sundalo at pulis.