Senators Zubiri at Cayetano, hindi na pangangaralan ni Senate President Chiz Escudero

Hindi na pagsasabihan ni Senate President Chiz Escudero sina Senators Migz Zubiri at Alan Cayetano kaugnay sa nangyaring pagtatalo kagabi patungkol sa resoluyon sa mga EMBO Barangays sa Taguig City.

Ayon kay Escudero, batid naman ng dalawang senador na hindi dapat nangyari ang bangayan kagabi.

Sa huli naman aniya ay nagkapaliwanagan ang dalawa at humingi na rin ng paumanhin sa mga nagawa.


Sinabi rin ni Escudero na hindi naging bahagi ng record ng Senado ang sagutan nina Zubiri at Cayetano kagabi dahil naka-suspend naman ang sesyon nang mangyari ito.

Paliwanag pa ng Senate President, hindi kailangan ng caucus para pagtibayin ang katulad na concurrent resolution 23 ni Cayetano dahil hindi naman ito legally binding depende sa ahensya ng gobyerno kung saan naka-address ang resolusyon.

Umapela naman si Escudero sa publiko na maintindihan ang nangyari dahil mga tao lamang din ang mga senador na minsan ay tumataas ang emosyon para sa kanilang mga ipinaglalaban.

Facebook Comments