Sim Card Registration Bill, nakatakdang pirmahan ng PBBM bukas

Magiging ganap ng batas ang panukala na nag-oobliga sa pagpaparehistro ng phone users sa kanilang sim card.

Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act bukas.

Isa ito sa nakikitang paraan para mahinto na ang text scams o panloloko gamit ang iba’t ibang mobile numbers.


Ang SIM Registration Act ang unang panukalang batas na ipinasa ng 19th congress na maisasabatas ni Pangulong Marcos Jr.

Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng ibinebentang SIM cards ay deactivated muna at saka lang gagana kapag nai-rehistro na sa Public Telecommunication Entity (PTE).

Para naman sa lahat ng existing subscribers, kailangang ipa-rehistro ang kanilang sim cards sa PTEs sa loob ng 180 araw mula sa effectivity ng batas.

Facebook Comments