
Nagtipon-tipon kanina sa Scout Circle sa Quezon City ang simbahan at mga pamilya ng mga biktima ng EJK upang ipanawagan sa ICC na i-convict si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang koalisyon ay naglalayong isabuhay ang diwa ng People Power upang muling sama-samang labanan ang impunity o labis na karahasan.
Ayon kay Rafaela David, presidente ng Akbayan Party-list, hindi na nila papayagang maulit ang diktadura at mala-tokhang na pamamahala ng gobyerno.
Hindi na aniya dapat maulit na makabalik sa Malacañang Palace ang isang lider na gumagamit ng karahasan.
Ayon naman sa mga EJK families, maswerte pa si Duterte dahil nabibigyan pa ito ng legal na proseso, hindi tulad ng kanilang mga kaanak na pinaslang nang walang kalaban-laban.
Facebook Comments










