Magpapadala ang Department of Migrant Workers (DMW) ng 100 Pinay caregivers sa South Korea.
Sa ilalim ito ng pilot foreign caregiver program na layong mapalawak ang bilateral labor ties ng Pilipinas at Korea.
Kabilang sa magiging tungkulin ng mga kwalipikadong caregiver ay pag-aalaga ng mga bata at sanggol, pagtulong sa mga buntis, at paggawa ng mga gawaing bahay.
Bukas ito para sa mga babaeng aplikante na edad 24 hanggang 38, magprisinta lamang ng TESDA NC II Caregiving Certificate.
Isasagawa ang registration sa May 9 at 10, 2024.
Facebook Comments