Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyang nakakaapekto ang namumuong Low Pressure Area (LPA) sa Southern Mindanao.
Batay sa ulat ng PAGASA kaninang 4 AM, namataan ang LPA sa layong 555 kilometers sa Timog-Silangan ng General Santos City.
Mayroong maliit na tiyansa lamang na ito’y mamuo bilang isang bagyo sa mga susunod na araw.
Ngunit ang LPA ay maaaring magdulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat at pagkulog sa ilang bahagi ng Caraga at Davao.
Kaya naman pinayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan malapit sa mga kabundukan at mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha na dulot ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Facebook Comments