Special panel of prosecutors na hahawak sa mga kaso kaugnay sa pagpatay kay Degamo, itatalaga ng DOJ

Magkakaroon ang Department of Justice (DOJ) ng special panel of prosecutors na hahawak sa mga kaso kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ito ay alinsunod sa hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Remulla na nais ng pangulo na bihasa o skilled ang mga piskal na maitatalaga para mag-evaluate sa lahat ng mga ebidensya at testimonya hinggil sa Degamo killing at hindi magkamali sa proseso.


Sa pamamagitan ng pagsuri ng special panel sa mga salaysay ng mga testigo at suspek, umaasa ang kalihim na matutukoy pa ang iba pang persons of interest sa krimen.

Una nang kinatigan ng Korte Suprema ang hiling ng DOJ na ilipat ang paglilitis sa lahat ng mga kaso na may kinalaman sa Degamo sa korte sa Maynila mula sa Negros Oriental.

Facebook Comments