SRA, bumili na ng P15-M na halaga ng pesticide kontra RSSI infestation

Sinimulan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pagbili ng pestisidyo na nagkakahalaga ng P15 million para ipamahagi sa mga magsasaka sa Visayas na apektado ng red-striped soft-scale insect (RSSI) infestation.

Ayon Kay SRA Board Member David Andrew Sanson, head ng RSSI Task Force, mula sa naturang halaga, P10 million na alokasyon ng Department of Agriculture (DA) at P5 million na hinugot ng SRA mula sa sarili nitong disaster fund.

Sa ngayon, nasa 3,284.80 hectares na ng tubuhan o sugarcane farms sa Negros Occidental, Negros Oriental, Iloilo, Capiz, at Leyte ang sinalanta ng RSSI mula May 22 hanggang Aug. 1 ,2025.

Pinakamatinding sinalanta ang Negros Occidental na may 3,184.39 hectares na naapektuhang sugarcane fields.

May 289.32 hectares naman ang nakarekober na karamihan ay mula sa Negros Occidental.

Facebook Comments