SSS, nilinaw ang umano’y net loss na ₱849-B batay sa unaudited financial statements noong 2021

Mariing itinanggi ni Social Security System (SSS) President and CEO Michael Regino na nalugi ang SSS ng ₱843.9-B batay sa unaudited financial statements noong 2021.

Wala aniyang dapat ikabahala ang mga miyembro at pensioners dahil walang direktang epekto ang napaulat na net loss sa current cash flow ng SSS.

Giit ni Regino, ang nangyari ay resulta ng pagbabago sa accounting standard sa ilalim ng Philippine Financial Reporting Standards o PFRS 4.


Ito umano ay forward-looking estimates ng mga net future liabilities.

Kabilang dito ang benefit payments na kukubrahin ng mga SSS members at ng kanilang mga beneficiaries sa hinaharap

Tiniyak ni Regino na nanatiling matatag ang kalagayang pinansyal naturang state-run social insurance institution

Sa katunayan aniya, ang cash inflows ng SSS, gaya ng contribution collections at investment at iba pang pumapasok na kita noong 2021 ay umabot ng ₱262-B.

Mas mataas kung ikukumpara sa ₱28-B na lumabas na cash sa parehong panahon mula sa nabayarang benefits at operating activities nito.

Facebook Comments