Ipinagdiriwang ngayon ng Laughter is the Best Magazine Show o LBMS ang unang anibersaryo ng programa at isang taong pagbibigay ng good vibes at saya sa mga ka-laughter.
February 1, 2020 nang unang umere ang LBMS kasama ang mga anchor na sina Dyosa Yan, Kuya Gleny at ng inyong Showbiz segment host, Vlogger Ems.
Sa loob ng isang mabungang taon ng programa ay iba’t ibang personalidad na rin ang nakapanayam at nakakwentuhan ng LBMS gaya nina Gloc 9, Shantidope, Dianne Medina Ilustre, Gerald Santos, Dindo Arroyo, Mojack, Ivy Violan at marami pang iba.
Ang LBMS anchors din ang personal na naghatid ng mga premyo sa 28 na mga tagapakinig na nanalo sa “Wi-Fi mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo noong nakaraang taon.
Bilang pasasalamat naman sa mga ka-laughter na laging nakatutok sa LBMS, nagsagawa ang mga anchor ng special segment nitong Sabado kung saan kailangang masagot ng listener ang mga katanungan na may kaugnayan sa programa.
Maswerte namang nakasagot at nanalo ng Radyo Trabaho souvenirs ang limang tagapakinig na sina Resty Sy, Louie Basco, Emman Santiago, Estela Tolentino at Helen Sandoval.
Ang LBMS ay isang showbiz-oriented program na napapanood at napapakinggan tuwing Sabado, ala-1:00 hanggang alas-2:00 ng hapon sa DZXL Radyo Trabaho.