1st ASEAN GCC Summit, opisyal na magbubukas sa Riyadh, Saudi Arabia na dadaluhan ni PBBM

Pormal nang magbubukas ang kauna-unahang ASEAN Gulf Cooperation Council o GCC Summit dito sa Riyadh, Saudi Arabia

Dadalo mismo ang pangulo sa opisyal na pagbubukas na ito ng ASEAN GCC Summit.

Sa event na ito ay magkikita ang mga lider ng ASEAN Gulf Countries gaya ng Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia.


Dadalo rin ang iba pang mga lider ng ASEAN leaders kabilang na ang Brunei, Burma, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam.

Mapag-uusapan dito kung paano magtutulungan sa larangan ng finance, energy and petrochemicals, industry and logistics, real estate development, at maging sektor ng paggawa, agrikultura at turismo.

Buko sa aktibidad na ito ngayong araw aasahan din ang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Saudi Arabia King Salman Bin Abdulaziz Al Saudi at maging sa opisyal ng bansang Bahrain.

Aasahan din bago lumipad pabalik dyan sa Pilipinas mamayang gabi ay makikipagkita ang pangulo sa Filipino Community dito sa Saudi Arabia.

Mayroong isang milyong Pilipino ang naninirahan sa Saudi Arabia.

Facebook Comments