1st COVID-19 Death Case, Naitala ng Tabuk City

Cauayan City, Isabela- Naitala ng Tabuk City sa lalawigan ng Kalinga ang unang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19.

Isang 53-anyos na lalaki na empleyado ng National Irrigation Administration-Kalinga (NIA-Kalinga) ang binawian ng buhay ngayong araw sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon sa Department of Health, naisailalim sa swab test ang pasyente nitong Oktubre 28 hanggang sa lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID-19.


Una nang nakaranas ng sintomas ang pasyente gaya ng pag-uubo at pananakit ng lalamunan na sinabayan pa ng kanyang sakit na diabetes at hypertension.

Ang nasawing pasyente ay tubong Lamut sa lalawigan ng Ifugao at tumututuloy lamang sa NIA-Kalinga compound dahil sa pagkakatalaga nito sa kanyang trabaho.

Sumailalim na rin sa disinfection ang NIA compound para matiyak ang hindi pagkalat ng sakit na posibleng ikahawa ng mga iba pang empleyado.

Samantala, muli namang ipinapanawagan ni Mayor Darwin Estrañero sa publiko na istriktong ipatupad ang health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing para maprotektahan ang pamilya at komunidad.

Facebook Comments