
Naging emosyonal si 1st District Rep. Arjo Atayde nang makapanayam ng media sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City.
Ayon sa kongresista, pawang hearsay lamang ang mga alegasyon laban sa kanya at sa kanyang ama, at wala pa ring naipapakitang ebidensya.
Giit ni Atayde, wala siyang itinatago, hindi siya magtatago, at hindi rin siya aalis ng bansa.
Humarap aniya siya sa ICI upang patunayang inosente siya, at nakahanda rin ang kanyang ama na harapin ang imbestigasyon.
Facebook Comments









