Handang-handa na ang Makati Medical Center at St. Luke’s Medical Center na turukan ang mga menor de edad mula 12 anyos hanggang 17 anyos.
Sisimulan ang bakunahan sa naturang pagamutan alas-8:00 ngayong umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para sa mga menor de edad.
Nilinaw ng Makati City Medical Center at St. Luke’s Medical Center na pawang mga bata na may comorbidities kung saan pinayuhan ang mga menor de edad na magdala ng birth certificate, at school ID at certificate ng doktor na may comorbidities.
Ang mga menor de edad na 12 hanggang 17 anyos ay babakunahan ng Pfizer at Moderna na pilot study ng Department of Health (DOH).
Tanging tatanggapin naman ang mga mayroong concern mula sa kani-kanilang mga magulang base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force.