1st Mayor Topi Mamauag Chess Challenge, Dinomina ng Team Ilagan

Cabagan, Isabela – Mula sa Ilagan City, Isabela ang nagkampeon sa Open at Kiddies Division ng 1st Mayor Topi Mamauag Chess Challenge na nagtapos lamang kaninang hapon ng Enero 17, 2018 sa Cabagan, Isabela.

Ito ay matapos magkampeon si Jerome Baggao sa Open Division at pinangunahan naman ni John Rowell Albano ang Kiddies Division na kapwa kasapi ng Ilagan Chess Team.

Maliban dito, nakuha rin ni Team Ilagan Trainor Kyrl Rafa ang pangalawang puesto sa Open Division.


Ang open division ay ang kategorya ng mga manlalarong edad 13 pataas samantalang ang Kiddies Division ay 12 taong gulang pababa.

Manlalaro din ng Ilagan ang nakakuha ng number 1 rank sa Under 6 Age Group Qualification ng Kiddies Division na si Jaycol Sodela.

Kaya naman noong ginanap ang awarding ceremony ay panay palakpak ang mga delegado mula sa Ilagan City.

Sa top 5 ng Open Division ay pumangatlo si Melvin Antimano, pumang-apat si Anwar Cabugatan at pang-lima si Raymund Parra.

Sa Kiddies ay pumangalawa si Crystal Joy Pascua, Pangalo si Rainer Monteclaro, pang-apat si Jericho Soloria at pumang-lima si Kyrus Sele Sofrah.

Sa Kiddies Age Group Category ay nakuha ni Russel Martinez ang unang puwesto sa Under 10 at ni Francis Albano sa Under 8.

Todo suporta naman ang Local Government Unit ng Cabagan, Isabela dahil dinaluhan mismo nina Mayor Atty Christopher Mamauag, Bise Mayor Ovie Masigan at mga sangguniang panglungsod ang opening at closing ceremonies ng naturang palaro.

Ang 1st Mayor Topi Mamauag Chess Challenge ay paunang aktibidad lamang sa mga nakalinyang programa ng Cabagan Town Fiesta 2018 na magtatapos sa Enero 25, 2018.

Facebook Comments