Cabagan, Isabela – Sa Enero 21, 2018 ang 1st Mayor Topi Mamauag Chess Challenge kung saan ang mga puedeng lalahok ay mga non-master chess players.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay ISU-Cabagan Professor Heherson B. Albano, ang Tournament Organizer ng torneo ay gaganapin ito sa Xentro Mall na matatagpuan sa Cabagan, Isabela.
Idinagdag pa na ito ay laan lamang sa mga manlalaro ng Lalawigan ng Isabela.
Ang torneo na may dalawang kategoryang Open para sa edad 13 pataas at Kiddies na para sa mga batang edad 12 pababa.
Maliban dito ay may age group category na under 10, under 8 at under 6.
Pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Cabagan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Christopher Mamauag ang torneo mula sa premyo, equipment at officiating expense.
Katuwang ng LGU Cabagan ang Cagayan Chess Development Club(CCDC) ni Ginoong Apolinario Agustin.
Unang 200 daang registrants lamang ang kanilang matatanggap sa torneong ito.
Ang contact persons para sa torneong ito ay sina Ginoong Reynold M. Gumiran, MPDC Officer ng Cabagan, Isabela, Ginoong Apolinario Agustin ng CCDC – Tournament Manager, Atty. Rosa Theresa O. Albano – Club Arbiter at Prof. Heherson B. Albano – Tournament Organizer