1ST PROVINCIAL LOCAL HEALTH SYSTEM SUMMIT, ISINAGAWA!

CAUAYAN CITY – Isinagawa ang kauna-unahang Provincial Local Health System Summit 2024 sa Zen Hotel, Lungsod ng Santiago sa pangunguna ng Provincial Department of Health Office (PDOHO) – Isabela katuwang ang Integrated Provincial Health Office.

Dinaluhan ng mga local Chief Executives, Sangguniang Bayan at Panlungsod members, at local health officers mula sa iba’t ibang bayan dito sa Isabela.

Dumalo rin si DOH Usec. Glenn Mathew Baggao kung saan ay binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng people-centered healthcare, maging ang mga papel ng LGU’s sa pagbibigay ng maayos na pangangalaga sa kalusugan sa kanilang komunidad.


Samantala, nakatanggap ng Health Champion Excellence ang Santiago City, Ilagan City, Angadanan, Cabagan, at San Mariano.

Facebook Comments