Sa naturang aktibidad ay inilatag ng mga bawat PESO Manager ang mga updates sa pangunguna ng PESO focal person na si Mr. Ramoncito Liggayu.
Binanggit nito ang mga layunin ng PESO na matugunan ang mga problema sa mga ipinatupad na programa.
Naging daan din ang naturang aktibidad sa mga kalahok para pag-usapan ang paghahanda sa nalalapit na R02 PESO Year End Performance at Assessment na gaganapin sa Baguio City.
Nagpapasalamat naman si Supervisor Leo Froctoso Agustin sa mga PESO Managers sa patuloy na pagtulong para makahanap ng mga paraan at mapadali ang mga programa sa pagtatrabaho kahit nasa gitna ng pandemya.
Kinilala naman ni DOLE Isabela Provincial Director Evelyn Yango ang tagumpay ng programa noong mga nagdaan na taon at umaasa siya na magtuloy-tuloy ito ngayong 2022.
Samantala, kinilala naman ng Provincial Government of Isabela ang bawat tanggapan ng PESO sa Lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Plaque of Appreciation.