1ST ROUND | Philippine Women’s at Rising Stars, wagi kontra Veterans Squad sa Battle of the Legends

Manila, Philippines – Maganda ang hinaharap ng Philippine Chess!

Ito ay kung pagbabasehan ang panalo ng Philippine Women’s at Rising Stars sa
sa first round ng kauna-unahang Battle of the Legends Chess Tournament.

Matapos kasing matalo si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ni IM Barlo
Nadera, anim na sunod na panalo at dalawang tabla ang naitala ng mga
kababaihan at papasikat na mga chess players kontra sa Veterans’ team para
umangat sa 6-3 na bentahe.


Ito ang ginawang sandalan ng present at future ng Philippine Chess para
maitakas ang 8-4 na panalo kontra sa mga beterano.

Inorganisa ng Chess Events Internationals, PACE at Artillery Foundation of
the Philippines at may basbas ng National Chess Federation of the
Philippines, ang torneo ay nagbigay ng P30,000 sa winning team.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments