Nagdeklara na ng state of emergency ang Ontario sa Canada matapos magsagawa ng kilos protesta ang mga truckers laban sa mandatory na COVID-19 vaccination.
Ito ay matapos na maraming negosyo ang naapektuhan sa pagsagawa ng kilos protesta sa bahagi ng Ottawa at Ambassador Bridge.
Ayon kay Premier Doug Ford, magiging iligal ang pagsasagawa ng mga kilos protesta, kung saan, ang sinumang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa pagkakakulong at multa ng hanggang $79,000.
Ipapatupad ang kautusan sa sinumang maghaharang o magpapaantala sa paggalaw ng mga bilihin kabilang na rin ang biyahe ng mga tao patungo sa mga international border crossing.
Matatandaan, aabot na sa tatlong linggo ang isinasagawang kilos protesta ng mga truckers kontra sa pagoobliga sa kanila na magpabakuna kontra COVID-19 upang makapasok sa Ottawa.