Stress management sa mga sekyu ipinag-utos ng PNP-SOSIA

Inatasan ng Philippine National Police – Supervisory Office on Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang lahat ng private security service providers na magsagawa ng stress management seminar o counselling sa kanilang mga tauhan kada buwan.

Sa Memorandum Advisory No. 058-2024 na pirmado ni PNP-SOSIA Acting Chief Col. Marlou Roy Alzate, layon nitong pangalagaan ang interes hindi lang ng kanilang mga kliyente kundi maging ng well-being ng mga security guard.

Nais din ng PNP-SOSIA na maisulong ang kapakanan ng mga sekyu sa pamamagitan ng sapat na sahod at iba pang benepisyo.


Nakapaloob pa sa memorandum na ang mga operator ay kinakailangang magsumite ng kanilang compliance report.

Facebook Comments