Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na hindi sila magrerekomenda ng suspension of police operations (SOPO) o mas kilala sa tawag na tigil-putukan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kasunod na rin ng mga pinakahuling pangyayari na kinasangkutan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahapon sa Northern Samar kung saan limang sundalo ang sugatan matapos silang pasabugan ng landmine.
Ayon kay Azurin, walang tigil-putukan dahil patuloy ang mga rebelde sa paggawa ng mga paglabag sa karapatang-pantao.
Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay si Azurin sa mga naulila ni CPP Founder Jose Maria Sison na pumanaw kamakailan.
Batay sa datos ng PNP, si Sison ay akusado sa 17 magkakahiwalay na kasong kriminal, siyam na kaso ng rebelyon, pitong kaso ng murder at iba pang hindi naisasampa sa korte at isang kaso ng Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide at samu’t saring Crimes Against Humanity.