Tamang kaalaman ang dapat ituro sa botante, hindi TikTok o parada

43

Iginiit ni Partido Reporma Chairman at presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na dapat ituro sa mga botante ang tamang kaalaman tungkol sa eleksyon at plataporma ng mga kandidato.

Paliwanag ni Lacson, napag-usapan na nila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nais nilang itaas ang diskursong politikal at magbigay edukasyon sa mga botante sa pamamagitan ng kanilang kampanya imbes na idaan sa TikTok at caravan.

Hangad din ng tambalang Lacson-Sotto na magkaroon ng mas matalinong talakayan sa mga isyu dahil hindi biro ang kinahaharap na problema ngayon ng bansa.


Dagdag pa ni Lacson na hindi masosolusyunan ng TikTok ang problema sa bagsak na ekonomiya, kawalan ng trabaho at iba pang isyu kaugnay ng umiiral pa ring pandemya.

Ayon pa sa mambabatas, mas mabibigyan ng solusyon ang mga problema kung pag-uusapan ang mga ito tulad ng kanilang ginagawa sa mga “Online Kumustahan” kung saan nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na lider, residente, maliliit na negosyante at iba pang miyembro ng mga komunidad upang lubos na maunawaan ang kanilang mga pangangailangan.

Facebook Comments