Tambalang Lacson-Sotto tandem, inamin na maraming natutunan sa kanilang paglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa

Aminado sina Presidential aspirant at Senator Panfilo “Ping” Lacson at runningmate nito na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na marami silang natutunan sa mga nakakasalamuha nila sa kanilang paglilibot sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon sa Lacson-Sotto Tandem, napipilitan silang mag-aral dahil kapag natatanong anila sila sa mga ordinaryong mamamayan na kanilang mga nakahalubilo kung saan sinasabi sa kanila ng mga tricycle drivers na wala silang nakukuhang ayuda mula sa fuel subsidy.

Paliwanag pa nina Lacson-Sotto Tandem na maraming mga tricycle driver at mga farmers, fisherfolk nag hindi alam na kasama rin sila sa mga ayuda kayat ipinaalam nila sa mga alkalde na kanilang nakakausap na ipabatid sa mga magsasaka at tricycle drivers na kasama sila sa mga ayuda ng gobyerno.


Dagdag pa ni Sotto sa 7 National elections, na kanyang naranasan ito aniya ang pinakagusto ng beteranong Senador ang pag iikot nila ni Lacson dahil sa pakikipagdayalogo ni malaki ang benepisyo sa kanila at sa mga ordinaryong Pilipino hindi umano katulad sa dati nilang ginagawa na rally na walang natutunan ang magkabilang panig.

Facebook Comments