Tatlong posibleng gamot sa COVID-19, isasailalim ng trial ng WHO

Magsasagawa ng malaking trial ang World Health Organization (WHO) sa tatlong gamot upang malaman kung epektibo ito sa pagpapabuti ng kondisyon ng isang pasyente ng COVID-19.

Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus , director-general ng WHO, kasama sa mga gamot na pag-aaralan ay ang artesunate, imatinib at infliximab.

Susuriin ito sa maraming pasyente mula sa 600 ospital sa 52 bansa sa buong mundo.


Ang Artesunate ay karaniwang gamot sa malaria; ang imatinib ay gamot sa cancer habang sa immune system disorders na Crohn’s at rheumatoid arthritis naman ang infliximab.

Facebook Comments