Tauhan ng PNP Highway Patrol Group, arestado sa pangongotong sa Agusan del Norte

132

Nahuli ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa isang entrapment operation dahil sa kasong pangongotong sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ayon kay PNP-IMEG Director Brigadier General Thomas Frias Jr., ang nahuling pulis ay si Police Staff Sergeant Ronelo Tering-tering ng Provincial Highway Patrol Team Agusan del Norte.


Hinuli ito sa aktong pagtanggap ng marked money para ma-release ang isang mini-dumptruck na naka-impound sa kanila.

10,000 piso umano ang hinihingi ni Tering-tering mula sa nagreklamo na humingi ng tulong sa IMEG.

Ikinasa agad ng mga tauhan ng IMEG ang entrapment operation dahilan para maaresto si Tering-tering sa opisina ng HPG sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Facebook Comments