Itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang Information, Education and Communication (IEC) team para manguna sa kampanya sa pag-regulate at pagkontrol ng paggamit ng plastik sa lungsod.
Kinakailangan ang pagtatalaga muna sa kampanya sa IEC teams upang bago ang pagpapatupad ng ordinansa sa paglimita sa paggamit ng plastik.
Kamakailan lamang ay nagsagawa ng orientation ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa mga itinalagang information officer ng IEC team para sa implementasyon ng City Ordinance No. 18-40.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang naturang ordinansa ay naglalayon na i-regulate ang paggamit, pagbebenta ng styrofoam, plastic bags at plastic bilang food and beverage containers kasama na rin dito ang paggamit ng plastic straws at stirrers.
Ang mga lalabag naman sa ordinansa ay maaaring sampahan ng kaso at pagbabayarin ng kaukulang multa sa lokal na pamahalaan.