Technical assessment sa Taal Lake para sa paghahanap ng mga nawawalang sabungero, nagsimula na

Pormal nang nag-umpisa ngayong Huwebes ng hapon ang assessment na hakbang para sa paghahanap ng mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa Taal Lake.

Pasado ala-una nang maglayag ang mga bangka patungo sa tinatawag na ground zero pero hindi pa raw muna masisimulan ang mismong diving o pagsisid sa lawa ng taal.

Sa ambush interview, sinabi ni Assistant Secretary Mico Clavano, tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ) na layunin ng initial assessment na alamin muna ang kondisyon ng tubig.

Kailangan aniyang mag-focus sa paghahanap lalo na’t napakalawak ng Taal Lake.

Sa ngayon ay nakakaranas ng malakas na hangin at alon dito sa Taal Lake.

Facebook Comments