Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na sinisimulan na sa 10 mga bansa ang testing ng Overseas Filipino Worker (OFW) Pass.
Ang OFW Pass ang siyang digital version ng Overseas Employment Certificate (OEC).
Sinabi ng DMW na mahigpit nilang sinusubaybayan ang paggamit nito at nangangalap sila ng feedback mula sa OFWs.
Nanindigan naman ang DMW na patuloy pa rin silang mag-iisyu ng papel na bersyon ng OEC hanggang sa tuluyang mailipat ang analog tungo sa digital.
Facebook Comments