Isiniwalat ni dating Senator Antonio Trillanes IV na sangkot sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go sa pagnanakaw ng P6.6 bilyon mula sa kaban ng bayan.
Ayon kay Trillanes, batay sa kaniyang mga dokumento mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA), nakuha ng CLTG Builders, construction firm na pag-aari ng ama ni Go na si Desiderio Lim ang 125 proyekto ng gobyerno sa Davao City at sa Davao Region na nagkakahalaga ng P4.89 bilyon mula Marso 25 hanggang Mayo 2018.
Habang noong June 2007 hanggang July 2018 naman ay nakakuha ng 59 proyekto ang Alfrego Builders & Supply na pag-aari ng half-brother ni Go na si Alfredo Amero Go na nagkakahalaga ng P1.74 billion.
Giit ng dating senador, sa kabuuan P1.5 billion ang nakuha ng pamilya ni Go noong alkalde pa lang si Duterte sa Davao City habang P5.1 billion pesos noong unang dalawang taon nito sa pagkapangulo.
Maliwanag din aniya na ginamit ni Go ang kanyang posisyon para makinabang ang kanyang pamilya.