Umaabot na sa ₱36.5-M ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding mula sa Regions 1, 2, 3, 5, CALABARZON at CAR.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit ₱8.2-M dito ay family food packs.
Mayroon ding ibinigay ang pamahalaan na hot meals, non-food items, financial assistance at tulong para sa mga nawasak ang tahanan.
Sa ngayon, nasa 245, 063 pamilya o higit 911,000 mga indibidwal mula sa mga nabanggit na rehiyon ang naapektuhan ng bagyo kung saan nasa halos 4,000 pa ang pansamantalang nanunuluyan sa 27 evacuation centers.
Matatandaang 12 ang napaulat na nasawi, 6 ang nawawala at 52 ang kumpirmadong nasaktan nuong kasagsagan nang hagupit ng Bagyong Karding.