TUPAD at iba pang programa para matulungan ang ating mga mahihirap na kababayan, pinaglaanan ng pondo sa 2022 national budget

Naglaan ang pamahalaan ng pondo sa 2022 national budget para tulungan makabangon at makapagsimula muli ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic gayundin ng ilang kalamidad.

Nabatid na P26.5 billion ang pondong inilaan sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program na nagbibigay trabaho sa ating mga informal workers.

P52.7 million naman ang alokasyon para sa Government Internship Program at iba pang Reintegration Services Program.


Samantala, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay may budget allocation na P107.7 billion; P18 billion para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances at halos P5 billion para naman sa Sustainable Livelihood Program.

Ang mga nabanggit na programa ay ang mga pangunahing proyekto ng pamahalaan na siyang nagbibigay tulong sa mga tinaguriang nasa laylayan ng lipunan.

Facebook Comments