Ugnayan ng mga E-wallet sa mga online gambling, tuluyang pinapuputol ng isang senador

Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang lahat ng mga E-wallet platform na tuluyang putulin ang ugnayan sa online gambling.

Ipinatupad ngayong linggo ng GCash ang mas mahigpit na polisiya sa online gambling kung saan hindi na makikita ang advertisement at hindi na rin ito “clickable” sa platform.

Nagpahayag ang senador ng pagkadismaya at kanyang iginiit na hindi sapat ang pagpapatupad ng restriction ng GCash sa ads ng e-gambling lalo’t malaki ang pananagutan ng mga e-wallets sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga mamamayan.

Bukod sa GCash ay umapela rin si Gatchalian sa Maya, Coins.ph, at iba pa na tuluyang putulin na ang ugnayan at hindi magamit ang kanilang service sa e-gambling.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi na biro ang epekto ng online gambling dahil mas maraming mga kabataan at mga pamilyang Pilipino ang nalulubog sa utang at nalululong sa sugal at nagiging daan para mangyari ito ay ang madaling access sa mga e-wallet.

Facebook Comments