Ulat na ginagawang basurahan ng mga Chinese ships ang West Philippine Sea, walang katotohanan ayon kay Defense Secretary Lorenzana

Hindi totoo ang ulat na ginagawang basurahan ng mga sakay ng barko ng China ang West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos lumabas ang ilang larawan na nagpapakita kung paanong nagiging madumi ang ilang bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea dahil sa mga aktibidad ng mga barko ng China.

Bukod dito may ulat rin ang US-based expert at sinasabing ang pinagtatapunan ng human waste at sewage ng mga sakay ng barko ng China na naka-angkla sa South China Sea at ilang bahagi ng West Philippine Sea ay nagdudulot ng malaking pinsala sa yamang dagat sa nasabing karagatan.


Pero ayon kay Lorenzana, ang kumakalat na larawan ay hindi sa West Philippine Sea, sa halip ang larawan na may karagatan at may nakikitang barko ay matatagpuan sa Great Barrier Reef sa bansang Australia.

Facebook Comments