Unified coordination guidelines para sa mga ikakasang anti-illegal drug operation, nilagdaan ng PDEA at PNP

Nilagdaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang unified coordination guidelines para hindi na maulit ang madugong misencounter sa pagitan ng kanilang mga tauhan.

Sa ilalim ng alituntunin, ang otorisadong magkasa ng mga anti-drug operations na coordinated sa PDEA ay ang PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Units (PDEG-SOUs) , Drug Enforcement Units (DEUs) ng regional, district, provincial, city, municipal at police stations .

Maari lang makibahagi ang ibang operating units kung ang operasyon ay pinangungunahan ng PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Units o ng mga concerned DEUs at coordinated sa PDEA.


Susundin ng 2 ahensya ang “One Jurisdiction, One Operation” rule o isang anti-drug operation lang sa isang partikular na area.

Sakali naman aniyang biglang magbago ng lugar ang operating unit, kailangang magsumite sa PDEA ng bagong Pre-Operation Report and Coordination Form.

Sakaling walang mangyaring personal coordination, papayagan ang online submission ng mga requirements.

Kung mahigit dalawang operating units ang sabay na nag-coordinate para sa parehong area of jurisdiction, susundin ang order of priority rule.

Kinakailangan ding mabigyan ang PDEA ng official list ng PNP Drug Enforcement Operatives, kabilang ang kanilang mga designation at contact number ng mga team leader.

Facebook Comments