Uniform quarantine protocols, binubuo na para sa mga Pilipinong “fully vaccinated” na laban sa COVID-19

Bumubuo na ng standard quarantine protocols ang technical working group (TWG) ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga Pilipinong “fully vaccinated” na laban sa COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., isang quarantine protocols na lang ang ipapatupad sa mga “fully vaccinated” na sa bansa gayundin sa mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs).

Aniya, lahat ay kanilang kinokonsidera kabilang na ang pagsasailalim sa pitong araw na facility-based quarantine at COVID-19 testing ng mga returning OFW.


Paliwanag ni Galvez, ang proposed guidelines ay kanila ring tatalakayin sa pagdating ng mga eksperto mula sa Ministry of Health ng Israel sa susunod na linggo.

Nais kasi aniya nilang maging patas sa ipapatupad na mga polisiya sa mga “fully vaccinated” individual lalo’t maaari pa rin silang tamaan ng virus.

Tiniyak ni Galvez na nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Foreign Affairs (DFA),Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga manning agency para sa pagberipika ng vaccination ng mga OFW sa ibang bansa.

 

Facebook Comments