Naglabas ng updated guidelines ang Department of Health (DOH) para sa pinaikling quarantine at isolation periods ng general public na fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa 10 araw ay magiging pitong araw na lang ang magiging quarantine ng mga asymptomatic o may mild symptoms ng COVID-19 basta’t fully vaccinated na ang mga ito.
Aniya, pinaiksi rin sa limang araw ang quarantine mula sa dating pitong araw ng mga fully vaccinated na may close contact.
Ang mga may moderate symptoms aniya ay kailangang tapusin ng 10 araw ang kanilang isolation habang aabot naman sa 21 ang mga may severe symptoms na general public at healthcare workers.
Nilinaw rin ni Vergeire na ang close contacts ng COVID-19 patients ay hindi na kakailanganin pang sumailalim sa RT-PCR testing kung wala naman silang nararanasang sintomas.
Habang ang health workers na kinokonsiderang close contacts ay optional ang testing.
Sa ngayon, hinihintay pa ng DOH ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago ipatupad ang bagong polisiya