Hinihintay ng Estados Unidos ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay US Embassy Charge d’ Affaires John Law, ang US at Pilipinas ay nagkaroon ng produktibo at maayos na pag-uusap na layong plantsahin ang mga isyu sa mga probisyon ng kasunduan.
Binigyang diin ni Law ang kahalagahan ng VFA sa Mutual Defense Treaty (MDT) at pagsusulong ng security alliance sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na nagbibigay ang VFA ng pangil sa MDT kaya kumbinsido siya na aaprubahan ni Pangulong Duterte na ipagpatuloy ang kasunduan.
Facebook Comments