Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tanggapin o kilalanin ang National COVID-19 Vaccination Certificate ng Bulgaria, Iran at Panama.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ito ay para sa arrival quarantine protocols at interzonal o intrazonal movement ng mga biyaherong magmumula sa mga nabanggit na bansa.
Matatandaan na una na ring kinikilala ng Pilipinas ang proof of vaccination ng mga bansang Austria, Kazakhstan, Singapore, UAE, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, Estados Unidos, Italy, Vietnam, Brazil, Israel, South Korea at maraming iba pa.
Kaugnay nito, inatasan ang Bureau of Quarantine (BOQ) , Department of Transportation (DOTr) at Bureau of Immigration (BI) na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.