Vaccine manufacturer ng AstraZeneca, inaasahang mag-a-apply na ng certificate of product registration sa FDA

Tiwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na agad aaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ihahaing certificate of product registration (CPR) ng AstraZeneca vaccine.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Sec. Concepcion na wala naman kasing rason para hindi aprubahan ng FDA ang CPR ng AstraZeneca.

Ito ay sapagkat milyon-milyon na ang nabakunahan ng AstraZeneca vaccine at napatunayan naman ng mga eksperto na ito ay mabisang proteksyon kontra COVID-19.


Sa oras aniya na mabigyan na ng CPR ang AstraZeneca, mabibili na ito sa mga botika.

Hindi naman aniya dapat mangamba ang mga mahihirap nating mga kababayan na walang pambili ng bakuna dahil maaari itong bilhin ng pamahalaan.

Pero ito ay sa oras lamang na matanggal na ang umiiral na public health emergency dahil sa pandemya.

Facebook Comments