Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan na niyang kakanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sakaling mabigo ang Estados Unidos na maglaan sa atin ng hindi bababa sa 20 milyong doses ng COVID-19 vaccine.
Sa pulong kagabi kasama ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force, sinabi ng Pangulo na kung gusto talagang tumulong sa atin ng Amerika ay magdadala ang mga ito ng bakuna sa Pilipinas.
Kasunod nito, nagbabala rin ang Pangulo na huwag basta-basta maniwala sa Amerika na agad nila tayong mabibigyan ng bakuna.
Hindi rin aniya kailangan ng Pilipinas ng mga mabubulaklak na salita mula sa mga Amerikano at mas importante aniya ang bakuna kontra COVID-19.
Facebook Comments