Vice President Sara Duterte-Carpio, hiling ang mabilis na paggaling ni Pangulong Bongbong Marcos sa COVID-19

105

Nag-alay ng dasal si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio para sa mabilis na paggaling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa COVID-19.

Ito ay matapos kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpositibo sa COVID-19 antigen test ang pangulo na umiinda ngayon ng lagnat.

Hiling din ni Inday Sara sa punong ehekutibo na pagpalain siya ng Diyos ng mabuting kalusugan habang pinapamunuan nito ang bansa.


Mababatid na sasailalim si Marcos sa pitong araw na isolation at nasa kamay ng mga doktor nito kung sasailalim pa ito sa confirmatory RT-PCR test.

Nauna na ring ininda ng pangulo ang naturang sakit noong March 2020 matapos bumiyahe papuntang Europe kung saan naospital pa ito dahil sa hirap sa paghinga.

Facebook Comments