Nanawagan ng pagkakaisa sa mga Boholanon si Vice President at Education Sec. Sara Duterte para matamo ang ganap na kaunlaran ng bansa.
Dumalo si Duterte sa ika-118 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Bohol.
Nangako rin ang pangalawang pangulo na tutulong ang kaniyang tanggapan para sa pagbangon ng lalawigan mula sa pinsalang tinamo nito buhat ng manalasa ang Bagyong Odette.
Pinuri rin ni VP Sara ang katatagan ng mga Boholanon na nananatiling nakatayo sa kabila ng mga naranasang pagsubok.
Ang anibersaryo ng lalawigan ay kasabay rin ng makaysayang “Sandugo” o blood compact na katunayan ng pagkakaibigan nila Miguel López de Legazpi at Datu Sikatuna na nangyari sa lalawigan.
Facebook Comments