VP Sara, tutungo sa South Korea sa bisperas ng SONA ni PBBM

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nasa South Korea siya sa bisperas ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na makakasama niya ang Filipino community sa South Korea sa July 27 para sa isang event doon.

Ito na rin aniya ang pagkakataon para makapagpasalamat siya sa mga Pilipino sa ibat ibang bansa.

Nilinaw naman ni VP Sara na babalik agad siya ng Pilipinas kinabukasan o sa mismong araw ng SONA ng pangulo bagama’t hindi siya personal na dadalo dito.

Facebook Comments