Sunday, March 22, 2026

‘Wheel of Fate’ ng EK, masayang sinalubong ng mga bisita nitong Sabado

EK just got more magical! Wheel of Fate is back and better than ever!

Masayang sinalubong ng mga bisita ang muling pagbabalik ng isa sa pinaka-iconic na rides ng Enchanted Kingdom na “Wheel of Fate” nitong March 21, Sabado.

Sa taas nitong 130 feet, siguradong mapapawow ka habang natatanaw mo ang buong Santa Rosa at mga karatig lugar. Perfect ito para sa families, mag-jowa, at barkada na gustong mag-enjoy habang may breathtaking view sa itaas. 💫

Mayroon itong 36 gondolas, at bawat isa ay pwedeng sakyan ng 5 hanggang 6 na parkgoers kaya mas marami ang pwedeng makasabay sa saya.

Ayon kay Nico Mamon, Head of Integrated Marketing ng EK, ang Wheel of Fate ay hindi lang basta ride, ito ang nagbibigay liwanag at energy sa buong park. Mas enhanced at upgraded na ito para masigurong safe at world-class ang experience ng bawat bisita, hindi lang ngayon kundi para sa mga susunod pang henerasyon.

Hindi lang yan! Kasabay ng 30th anniversary ng EK, muling binuksan ang iba pang fan-favorite rides tulad ng Space Shuttle at ang immersive attraction na Agila The EKsperience: Saribuhay. Patunay na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng unforgettable moments sa bawat Pilipino. 🇵🇭✨

Ipinagmamalaki rin ng EK ang pagkilala sa kanilang Agila attraction bilang Best New ASEAN Tourism Attraction in Southeast Asia, isang patunay ng kanilang world-class na kalidad. 🏆

Sarado ang parke ngayong Holy Week, pero balik saya ito sa April 4 Black Saturday at April 5 Easter Sunday. Bukas ang EK every Thursday to Sunday hanggang June 7 perfect para sa inyong next weekend plans! 🎢

Sa kabila ng mga hamon sa ekonomiya at global tensions, tiniyak ng EK na walang pagbabago sa presyo ng kanilang ticket para mas marami pa ring Pilipino ang makaranas ng magic.

Experience the thrill, embrace the magic. 🌟

See you at EK! 🎠🎡✨

#TheLegendShinesAgain #WheelOfFate #EKExperience #ForeverEnchanted #iloveEK #EKat30

Facebook Comments