2.0% na agriculture growth, target ng DA kasunod .08% na pagbaba sa inflation rate noong Oktubre

Kasunod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng bilihin at serbisyo noong Oktubre, puntirya ng Department of Agriculture (DA) na maibaba pa mula 2.5 hanggang 2.0 percent ang paglago ng produksyon ng sektor ng agrikultura.

Kasunod ito ng 2.87 percent na paglago sa Agricultural production sa third quarter ng 2019.

Kabilang sa mga nakapagtala ng pagtaas ay aning pananim, paghahatian o livestock, poultry at sa sektor ng pangisdaan o fisheries.


Tumaas ng 23.47 percent ang aning mais.

Pero, bumaba naman naman ng 4.53 percent ang palay production.

Ayon kay Agriculture Secretary William DAR, ang mahusay na ipinakitang performance sa ikatlong hati ng taon ay patunay na unti unti nang naibababa sa mga sektor ang ipinatutupad na programa at proyekto ng DA.

Magdo-doble sikap aniya ang ahensya upang mamintine ang nakamit na paglago.

Facebook Comments